…discovering the far-reaching thoughts and exploring the dreams that has been captured by slingkygurl
Monday, July 25, 2011
doc·u·ment [n. dok-yuh-muhnt; v. dok-yuh-ment]
NBI Clearance
Madami akong naririnig sa bagong proseso ng pagkuha ng NBI Clearance. Daig pa daw ang pagpila sa MANNY MANY PRIZES Game show. Sabi nila 1:00am pa lang daw ay dapat pumila ka na sa labas ng Robinson Mall para makakuha ng priority number tapos ang bukas ng mall ay 8:00am, 500 heads/day lang daw ang aasikasuhin (goodluck BULAK!)
Dapat ihanda daw ang mga sumusunod:
1. Kaibigan o Officemate (kapag wala, ihanda na ang smiling face para makipagkaibigan sa mga taong nakapila) Kakailanganin ito para may makausap sa mahabang panahon na igugugol mo sa pagpila.
2. Karton o Sako para may magamit sakaling mapagod sa pagtayo
3. Siguraduhing full batt ang Cellphone at siguraduhing naka-unli ka (dahil globe user ako SUPER25 to 8888)
4. Bumili ng worth P10.00 na candies (da best ito panawid gutom)
5. Yosi, lighter, 3-n-1 coffee (applicable lang ito syenpre sa mga smoker katulad ko)
6. Water Bottle
7. Pamaypay
8. Favorite Book
10. magsuot ng comfy na damit
Note: Ang mga bagay na ito ay on top of the things that you bring kapag umaalis ka
Maari ding pumunta sa iba pang NBI Clerance Outlet ng mga Robinsons Mall
*Robinsons Galleria
*Robinsons Place Manila
*Robinsons Otis
*Robinsons Metro East
*Robinsons Place Cainta
At sa iba pang Municipal at City Hall
*Quezon City Hall
*Mandaluyong City Hall
*Marilao Municipal Hall, Bulacan
*Muntinlupa City Hall Victory Mall (salamat sa nag correct)
*Las Piñas City Hall
Matulog ng maaga.
Handa na ako.
Naikuwento ko sa kuya ko ang mga plano ko, sabi nya i-try ko daw sa Robinson Otis at konti lang daw pila dun. Medyo duda ako kasi sya lang ang nagiisang tao na nagsabi na konti ang pila. Tiwala ako sa kuya ko kaya sinunod ko ang payo nya. Hindi ko ita sinabi sa mga dapat na kasama ko sakaling mahaba ang datnan ko dun at least hindi nila ako masisi.
Inihanda ko pa din ang mga bagay na dapat kong dalin. Umalis ng ako ng bahay 9:15am, dumating sa Robinson otis 10:15am, pagdating ko sa 2nd floor.. nagulat at napanganga ako sa nakita.. 20 tao lang ang nakapila pang-21 ako.. wowow!!! 11:30am i'm done. KABOG!!!
TRY NYO SA ROBINSON OTIS
Picture: Gateway to Canda
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment