…discovering the far-reaching thoughts and exploring the dreams that has been captured by slingkygurl
Tuesday, December 15, 2009
12 Days of Christmas (Mongoloid's Version)
Sa unang araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Isang kahong martilyo
Sa pangalawang araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Dalawang matulis na kutsilyo
Sa pangatlong araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Tatlong sakong pako
Pang-apat na araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Apat na sigarilyo
Ika-limang araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Limang butil ng monggo
Ika-anim na Pasko, binigay sa 'kin na nobya ko
Anim na boteng asido
Ika-pitong araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Pitong berdeng sipilyo
Ika-walong araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Walong baliw na aso
Ika-siyam na araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Siyam na panis na bukayo
Ika-sampung araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Sampung itim na kandila
Ika-labing-isang araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Labing-isang pulang lobo
Ika-labin-dalawang araw ng Pasko, binigay sa ‘kin ng nobya ko
Labin-dalawang kuneho
Monday, December 14, 2009
Batibot Connection
Blog from Taympers
I was part of this generation too.. just going back memory lane i guess.. those happy days being young, playful and careless..
Batibot – Batibot Theme Song
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya
Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)
Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa Batibot (2x)
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya
Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)Music by:
LOUIE OCAMPO
Lyrics by:
RENE O. VILLANUEVA
Arrangement by:
MEL VILLENA
Yan yong theme song ng batibot. Ni-google ko pa yan kasi di ko na memorized yong buong kanta, Laking batang batibot ako, oo aminado akong parte ng henerasyon ko ang batibot, at hindi ko malilimutan ang mga araw na nakaharap ako sa t.v upang panoorin ang batibot. Kung ngayon ay cartoon network at nickelodeon ang paborito ng mga bata kami noon ay batibot. Nasa tatlong gulang na ako nun nang una kong natatandaang nanonood ako ng batibot kasama ng mga pinsan ko, siguro 1989 o 1990 na yun (bawal i-compute kong ilang taon na ako, magiging kamukha ni pong pagong) basta naimpluwensyahan lang akong manood at ang alam ko nasa panig na ng ABS-CBN noon ang batibot kasi ang kwento sa akin ng nakatatandang pinsn ko ang unang ere daw nun ay sa ibang channel RPN 9 YATA. Ang batibot ay Filipino version ng sesame street.
sino ang makakalimot kay kuya bodjie na da best kung magkwento na parang kausap lang ang viewer,kay ate sienna na studyante na kasakasama din minsan ni kuya bodjie magkwento, gusto ko ditto yong get-up nya kewl ika nga, kay kuya Mario na parang si Mario lang ang drama sa Mario Bros., kay ate isay na makulet din kung magkwento sa mga bata, kay kuya cheng na dyipney driver ang get-up. Isama mo na rin yong mga Muppets na curious na curios ako nun kung buhay nga ba sila kanina ko lang nalaman na hindi pala; sila ay sina pong pagong, kiko matsing, manang bola, kapitan basa, koko kwik-kwak (sya yong pumalit nung ‘nagbakasyon’ si kiko matsing at pong pagong), sitsiritsit, alibangbang, noli de kasyo, toto peg, irma daldal sama mo na ang chuwariwap back up dancers nya, direk, ningning, gingging, di ko na sinali yong mga batang cast na palaging pinapaalalahanang magpakabait at kumain ng gulay, kung may kulang man dagdag nyo na lang.
ito na siguro ang naging morning ritual naming mga magpipinsan nun ang panoorin ang batibot pero bago pa man humarap sa t.v e kelangan muna naming maligo upang presko kaming nanonood, kaya may malaking kinalaman ang batibot kumbakit ako natotong maligo ng madalian.
Aliw na aliw ako nun sa kwento ni kuya bodjie at ni ate sienna, kinapupulutan talaga ng aral at may sense talaga. Kumbaga sa tinapay, binigyan ka ng lola mo ng isang tinapay pero may palaman naman at keso pang mozzarella. Gusto ko dun yong portion na alin ang naiiba na mamimili ka kung san dun yong kakaiba o hindi kabilang sa grupo. Gusto ko din yong hulaan bles ni manang bola na mas malaki pa ata yong bolang kristal kesa sa ulo nya at ang porma wag ka talbog si madam auring pagdating sa mga bling bling.
Naasar ako nun pag hindi ko napapanood ang batibot, hindi kompleto ang araw ko. Naging routine ko na kasi na panoorin ito bago maglaro ulit sa bakuran, sa pagkakalam ko nagsisimula ito bandang 9:30 o 10 ng umaga pagkatapos ng programa deretso kami agada sa naudlot na laro upang ipagpatuloy muli ito, at kung ako yong taya tulad sa larong taguan pong, e aayaw na ako at ipagpapatuloy na lamang manood ng tv hanggang mananghalian.
Kwela kantahin nang sabay sabay yong tinapang bangus, batis, alin ang naiba, gulay, kung hindi pwede, kandirit, bangkang papel at marami pang iba. Kulang na lang e maghawak-hawak kamay akmig magpipinsan habang kumakanta, pero pagkakatanda ko merong ganung moments kami ng pins ko. (hahaha) Hindi ako patatalo nun kahit bulol pa ako magsalita e talagang susuko si Mariah Carey sa aking pagkanta. Ang bata nga na naman.
Sa batibot marami akong natutunan,mga kwento, bugtong, tula, kung paano kumain ng gulay at bakit kelangang kumain ng gulay, awit, sayaw at higit sa lahat ang mga aral na kinapulutan ko ng aral na magpahanggang sa ngayon nasa kukote ko pa rin bilang bahagi ng karne na laman ng aking bungo.
Nahinto man sa pag-eere ang batibot, “nagbakasyon” man sina pong pagong at kiko matsing, at mistulang wala na ang studio ng batibot pero ang mga aral at pangaral nito para sa mga batang batibot ay buhay para sa marami.Hindi man ito naabutan ng mga batang henerasyon ngayon nawa’y isang daan na rin yun para ituro sa kanila ang mga bagay na natutunan namin sa batibot.
Ang batibot ay naging institusyon na rin yan ng mga batang Pilipino,noon at magpahanggang sa ngayon. Madami akong natutunan sa programang ito, di ko maitatangging isa ako sa naadik dito pero kelanman hindi ako naging fan nito (ngisi).
Batang batibot ka ba? Kung oo kantahin ang bangkang papel ng limang beses, kung hindi naman manatiling manahimik na lamang.
Narito ang ilang tanong pre-requisite para makakuha ng U.S visa.
1. napansin mo bang hindi gumagalaw ang isang kamay ni kiko matsing?
2. ipaliwanag kung bakit mas pinili mo ang batibot kesa sa sesame, walang kopyahan. Itinuro yan ni kuya bodjie.
3. ano ang naramdaman mo nung nalaman mong wala na si kiko at pong pagong sa batibot? Bitter ba?
4. ipaliwanag kung paano makatutulong ang batibot sa global financial crisis.
5. sa tingin mo kumusta na kaya ang career ngayon nina kiko matsing at pong pagong.
6. pumirma ka din ba sa isang milyon lagda nung binabawi na sina pong pagong at kiko matsing ng kanilang orihinal na produser?
7. ilan ang daliri ni pong pagong? Ginagamit din kaya nya ito sa pangungulangot?
8. anu-ano ang mga natutunan mo? I-email mo ang mga ito sa pensucks@gmail.com
9. naliligo ka din ba bago manood ng batibot?
10. matapos mong gawin ang quiz na ‘to, punitin mo agad at wag ipapabasa sa iba, istayl ni bob ong ito kaya bawal natin gayahin.
“Don’t focus on what you have lost but what remains, don’t focus on the pain but on how it is shaping your character, don’t focus on the failure but on the great lesson you have ever learned.”
- sabi ng mani vendor isang certified avid viewer ng batibot.
Tuesday, November 24, 2009
CINNAMON BUNS and COFFEE
Picture from Travelpod
The aroma of cinnamon is unmistakably mouth watering. The aroma of coffee is so inviting and relaxing. I've been craving for this two aroma for days. After a very long shift (8 hours), I can't wait to go to the nearest bakery "Favorita Bakery" (confused though why it was named Favorita.. I think its the female version of favorito. HAHAHAHA). Anyway, there, finally I'm on the counter purchasing 20 Pesos worth of cinnamon buns, 25 grams of Nescafe and 25 grams Coffeemate.. VOILA! my crave at last will come to an end.
Now, finally... the taste.. the mouth feel and sweetness, salty and the bitterness, the sour taste of the cinnamon and coffee combined brings stinging sensation, a sharp slap of excitement to me.
To get this feeling you have to do it slowly.
Steps:
1. Put your lips near the coffee cup and smell the aroma.
2. Zip a little, only tasting a little flavor of its bitterness.
3. Smell the aroma of the coffee until you feel you can't stop yourself.
4. Zip a little more. Stop! then a little more.
5. Finally, when your brain lose control.. DRINK!
6. Then, the cinnamon bun comes.
Note: Make sure when coffee filled your mouth bite a little of the cinammon buns.
Monday, November 23, 2009
CONFESSION
Her feelings forbidden and kept a secret, no one knowing her thoughts, her dreams, and her embarrassment. She felt ashamed to feel the way she did, would she be rejected from all her friends, would her parents not want to call her, their "daughter". She longed for a touch, a kiss. Her feeling becoming stronger everyday, her brain so confused that sometimes at night through the tears she wanted to STOP. All these thoughts kept to her, bottled up. But then one day she got that touch, and they held each other close, looked into each others eyes, their lips locked and their bodies intertwine and they knew the feeling were true, and undeniable, because the whole time she loved her too.
DID YOU KNOW?
Picture from Leaders of a Sustainable Future
1.) That loneliness can be corrosive, eating away your heart & brain?
2.) That jelousy is not wrong, it is just a simple statement that you cannot have more than one to adore?
3.) That head should rule the heart?
4.) That like goes with likes?
5.) That the common mistake is for a person to love an alcoholic, cheater, gambler, drug addict or even a psychologically disturbed partner in the hope of reforming her through the power of love & of her own goodness is doomed to fail & there are endless unhappy years ahead?
6.) That drinking alcohol before noon is a sign of trouble?
7.) That you shouldn’t worry about yesterday because it’s over and the future because you don’t know if it will come?
8.) That no one falls in love by choice, it’s by chance. No one stays in love by chance, it’s by work. No one falls out of love by chance, it’s by choice?
9.) That good things never last?
10.) That loving someone who doesn’t love you back, you’ll die everyday & with money you can buy sex but not love?
ANY VIOLENT REACTIONS?
10 THINGS ABOUT ME
Picture from Harry-im-web
A person who gets tagged must write in his or her blog ten things or habits or little known facts about himself or herself. He or she should also state this rule clearly. At the end, he or she should tag six other people, except the one who tagged him or her.
1. 100% pure lover ng mga kababaihan na galing sa tagiliran ni Adan
2. Coffee and Yosi addict
3. Gusto kong maging malupit na assasin
4. Tirador ng tiklis ng mangga sa Bataan
5. Talunin si Dianne Reeves sa pagbirit ng Better Days
6. Nais kong pagsabayin ang pagkain at pagtulog
7. Mag-imbento ng personalize money na pwedeng gamitin sa lahat ng suking tindahan
8. Magkaroon ng pagawaan ng Emperador
9. Maging tropa ang cast ng L Word
10. Kilabot ng matanda!
Subscribe to:
Posts (Atom)